Beijing, Tsina—Kinumpirma ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtatapos ng mga siyentistang Tsino at Pilipino ng magkasamang paggagalugad na pandagat.
Sa regular na preskon Huwebes, Pebrero 6, 2018, sinabi ni Geng na ginawa ang nasabing paggagalugad sa karagatang nasa hurisdiksyon ng Pilipinas sa silangan ng bansa, at hindi sa Benhem Rise.
Inulit din ng tagapagsalitang Tsino ang paggalang ng Tsina sa karapatan ng Pilipinas sa seafloor ng Benham Rise, alinsunod sa batas. Idinagdag pa niyang bago ang ekspedisyon, isinumite ng Tsina ang aplikasyon sa Pilipinas, ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at inaprubahan ito.
Simula nitong nagdaang Enero, apat na alagad ng agham ng Pilipinas, kasama ng mga siyentisang Tsino mula sa Chinese Academy of Sciences (CAS) ang nagsagawa ng pananaliksik na pandagat, sakay ang research vessel na "Ke Xue" na nangangahulungan ng "siyensya" sa wikang Tsino. Magkakasamang ibabahagi ng mga siyentista ng dalawang bansa ang mga datos na nakalap sa katatapos na eksplorasyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac