Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Multipartidong kooperasyon, ipinagdiinan ng pangulong Tsino

(GMT+08:00) 2018-02-07 15:18:36       CRI

Beijing, Tsina—Hinikayat ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang multipartidong kooperasyon para sa pambansang kaunlaran.

Ito ang ipinahayag ni Xi sa kanyang pakikipagtagpo, Martes, Pebrero 6, 2018, sa mga kinatawan mula sa mga non-CPC party, All-China Federation of Industry and Commerce (ACFIC), at mga tauhang walang kinasasapiang partido. Si Xi ay nagsisilbi ring pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Ang aktibidad ay taunang ginaganap sa pagitan ng CPC at mga non-CPC na partido at tauhan, bago ang Chinese New Year na matatapat sa Pebrero 16 sa taong ito.

Unang una, ipinahayag ni Xi ang bating-pambagong-taon sa mga kinatawan. Ipinagdiinan ni niyang na ang sosyalismong may katangiang Tsino ay pumasok na sa bagong panahon at ang multi-partidong kooperasyon ay kailangan ding magkaroon ng bagong modelo, para mapasulong ang bagong pambansang progreso sa iba't ibang larangan.

Iniharap naman ng mga kinatawan ng non-CPC parties ang kani-kanilang kuru-kuro at plano para mapasulong ang kooperasyon at maisakatuparan ang pambansang kaunlaran.

Kabilang sa mga kalahok na non-CPC parties ay The Revolutionary Committee of the Chinese Kuomintang (RCCK), China Democratic League (CDL), China Democratic National Construction Association (CDNCA), China Association for Promoting Democracy (CAPD), Chinese Peasants' and Workers' Democratic Party (CPWDP), China Zhi Gong Party (CZGP), Jiusan Society (JS), at Taiwan Democratic Self-Government League (TDSGL).

Si Pangulong Xi Jinping (ika-2 sa kanan, harap), kasama ng mga kinatawan ng non-CPC na partido at tauhan, sa pagtitipun-tipon bago ang Chinese New Year. Larawang kinuha, Enero 6, 2018, ni Ding Lin ng Xinhua.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>