Iminungkahi ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na ilakip sa Konstitusyon ng bansa ang kaisipan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, hinggil sa sosyalismong may katangiang Tsino sa makabagong panahon.
Ito ay ayon sa dokumento hinggil sa mga mungkahi para sa pagsususog sa ilang nilalaman ng Konstitusyon, na pinagtibay sa ika-2 sesyong plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC, na ipininid kahapon, Biyernes, ika-19 ng Enero 2018, sa Beijing.
Dagdag pa ng dokumento, ang paglakip sa Konstitusyon ng mga mahalagang teorya at patakaran hinggil sa sosyalismong may katangiang Tsino sa makabagong panahon ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng dalawang pangmalayuang target sa pag-unlad ng Tsina, at Chinese Dream hinggil sa dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
Salin: Liu Kai