Sinang-ayunan ng Malaysia at Singapore ang pagtatatag ng trading link ng mga stock market ng dalawang bansa bago ang katapusan ng taong ito, para guminhawa ang trading at settlement ng mga stock ng mga mamumuhunan.
Ito ang ipinahayag ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia sa Ika-5 World Capital Market Symposium, Martes, Enero 6, sa Kuala Lumpur. Idinagdag pa niyang sinang-ayunan din ang nasabing desisyon ng kanyang counterpart ng Singapore na si Lee Hsien Loong.
1,600 public listed companies ng dalawang bansa na may 1.2 trilyong U.S. dollar na market capitalization ang iuugnay sa pamamagitan ng itatatag na trading link.
Nang araw ring iyon, sa magkasanib na pahayag, sinabi ng Monetary Authority ng Singapore at Securities Commission Malaysia, organong regulatoryo ng dalawang bansa na magkasama silang magsisikap para mapaginhawa ang pagtatatag ng trading link sa pagitan ng Bursa Malaysia (BM), bourse ng Malaysia, at Singapore Exchange (SGX).
Salin: Jade
Pulido: Mac