Ipinahayag Pebrero 7, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sinusubaybayan ng komunidad ng daigdig, kung magsasagawa o hindi ng pag-uugnayan ang Hilagang Korea at Amerika, sa pananatili ng Pyeongchang Winter Olympic Games.
Ani Geng, nitong ilang araw na nakalipas, nagkakaroon ng ilang diyalogo ang Hilaga at Timog Korea dahil sa mga may-kinalamang isyu ng Olimpiyada ng Pyeongchang. Aniya, napahupa ang kalagayan sa Peninsula ng Korea dahil dito.
Binigyang-diin ni Geng na sa kasalukuyang pagpapahupa ng kalagayan sa peninsula, ang pagsasagawa ng direktang diyalogo ng Hilagang Korea at Amerika ay makakatulong, hindi lamang sa pagpapatibay ng nasabing kalagayan, kundi maging sa pagpapasulong ng mapayapang paglutas sa isyung nuklear ng Peninsula ng Korea.