Isinalaysay ngayong araw, Biyernes, ika-9 ng Pebrero 2018, sa Beijing, ni Xi Yanchun, Tagapagasalita ng Tanggapang Pang-impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na noong isang taon, tinanggap ng iba't ibang departamento ng pamahalaan ang 7471 proposal ng mga deputado ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), at 3665 mosyon ng mga kagawad ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC).
Ayon kay Xi, batay sa naturang mga proposal at mosyon, inilabas ng pamahalaan ang mga bagong patakaran at hakbangin, at nilutas din ang mga problema, para pasulungin ang reporma at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pangalagaan ang interes ng mga mamamayan.
Ang NPC ang pinakamataas na lehislatura ng Tsina, at ang CPPCC naman ang punong organong tagapayo. Tuwing idinaraos ang mga sesyon ng dalawang organong ito taun-taon, inihaharap ng mga deputado ng NPC ang mga proposal at inihaharap din ng mga kagawad ng CPPCC ang mga mosyon, hinggil sa iba't ibang suliraning pang-estado. Inibibigay ang mga ito sa pamahalaan, bilang mungkahi sa pagpapabuti ng iba't ibang gawain.
Salin: Liu Kai