|
||||||||
|
||
Sa isang regular na preskong idinaos nitong Biyernes, Pebrero 9, 2018, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na batay sa pagkakasundo ng dalawang panig, gaganapin sa malapit na hinaharap ang ikalawang pulong ng Bilateral Consultation Mechanism (BCM) ng Tsina at Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea. Aniya, sa kasalukuyan, napapanatili ng dalawang panig ang mahigpit na pagkokoordinahan hinggil sa konkretong detalye ng pulong.
Ani Geng, bunga ng magkasamang pansin at pagkatig ng mga lider ng Tsina at Pilipinas, pormal na naitatag at maalwang naisaoperasyon ng dalawang bansa ang BCM. Noong Mayo ng nagdaang taon, matagumpay na idinaos sa Guiyang, Tsina, ang unang pulong ng BCM at natamo ang mayamang bunga. Palagian aniyang pinapanatili ng dalawang panig ang mabisang pagkokoordinahan hinggil sa maayos na paghawak sa mga maritime issues at pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyong pandagat.
Dagdag pa ni Geng, inaasahan ng panig Tsino na magiging matagumpay at mabisa ang ikalawang pulong ng BCM upang makalikha ng mainam na atmospera para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino at pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |