|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa unang sinabi ni Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio na umano'y "sinakop ng Tsina ang teritoryong Pilipino," pinabulaanan nitong Linggo, Agosto 21, 2017, ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing pananalita. Ipinahayag din ni Pangulong Duterte na hindi sinasalakay ang Pilipinas.
Kaugnay nito, ipinahayag Lunes, Agosto 22, 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Pilipinas, upang magkakasamang mapangalagaan ang kasalukuyang mainam na situwasyon ng South China Sea.
Tinukoy din ng tagapagsalitang Tsino na layon ng walang batayang pagpuna ng ilang personalidad ng Pilipinas sa panig Tsino na makalikha ng kontradiksyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas at magbunga ang kanilang masamang hangarin.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |