Ipinahayag kahapon, Linggo, ika-11 ng Pebrero 2018, sa Beijing, ni Ye Yujiang, Puno ng Department of Basic Research ng Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, na ang inilabas na bagong dokumento ng pamahalaang Tsino hinggil sa pagpapalakas ng basic science research ay makakatulong sa pag-unlad ng usaping ito sa mahabang panahon sa hinaharap.
Sinabi ni Ye, na nitong ilang taong nakalipas, bagama't natamo ng Tsina ang mga bunga sa basic science research, marami pang bagay ang karapat-dapat na gawin ng Tsina, para ito ay maging malakas na bansa sa siyensiya't teknolohiya at inobasyon.
Ani Ye, nakasaad sa naturang dokumento ang tatlong priyoridad para sa pagpapalakas ng basic science research, na gaya ng pagrereporma ng mga sistema bilang pagsuporta sa mga mananaliksik, pagtatakda ng mga pangkalahatang plano hinggil sa basic science research, at tuluy-tuloy na pagdaragdag ng laang-gugulin.
Binanggit din ni Ye, na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pandaigdig na kooperasyon, para idako ang basic science research sa mga aktuwal na tekonolohiya at produkto, upang maglingkod ito sa buong sangkatauhan.
Salin: Liu Kai