Jakarta — Ipinahayag kamakailan ni Farah Ratnadewi Indriani, Pangalawang Presidente ng Indonesian Investment Coordination Committee (BKPM), na noong isang taon, umabot sa 3.4 na bilyong dolyares ang direktang pamumuhunan ng mga bansa ng Unyong Europeo (EU) sa Indonesia. Ito ay mas malaki ng 20% kumpara sa taong 2016.
Ang EU ay nagsisilbing ika-4 na pinakamalaking pinagmumulan ng direktang pamumuhunang dayuhan ng Indonesia, sumusunod sa Singapore, Hapon, at Tsina. Sa mga bansa ng EU, ang Holland at Britanya ang pinakamalaking bansang namuhunan sa Indonesia.
Salin: Li Feng