|
||||||||
|
||
Ayon sa panig pulisya ng Broward county ng estadong Florida nitong Miyerkules, Pebrero 14, 2018, naganap ang insidente ng pamamaril nang araw ring iyon sa isang High School sa Parkland ng Broward county na ikinasawi ng 17 katao at marami pa ang nasugatan. Naaresto na ang suspek.
Ayon sa ulat, nakilala ang suspek na si Nicolas Cruz, 18, isang expelled student ng nasabing paaralan. Hindi pa nabatid ang kanyang motibo.
Pagkaraan ng nasabing insidente, nakipag-usap sa telepono si US President Donald Trump sa Gobernador ng estadong Florida. Ipinahayag din niya ang pakikiramay sa mga nasawi sa pamamagitan ng social media na Twitter.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |