Ipininid kamakalawa, Miyerkules, ika-14 ng Pebrero 2018, sa Kuwait, ang 2-araw na pandaigdig na pulong hinggil sa rekonstruksyon sa Iraq.
Ipinatalastas ni Sabah Khaled al-Hamad al-Sabah, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kuwait, na nakolekta sa pulong ang halos 30 bilyong Dolyares na tulong mula sa komunidad ng daigdig, para sa rekonstruksyon sa Iraq.
Ang pulong na ito ay magkakasamang idinaos ng Kuwait, Iraq, United Nations, Unyong Europeo, at World Bank. Ito ang unang katulad na pulong, pagkaraang ipatalastas noong ika-9 ng Disyembre ng nagdaang taon ng Iraq ang tagumpay sa paglaban sa Islamic State.
Salin: Liu Kai