Kahapon, Biyernes, ika-16 ng Pebrero 2018, ay unang araw ng Chinese New Year, at ika-2 araw ng mahabang bakasyon sa bansa para sa kapistahang ito. Ayon sa estadistikang inilabas kahapon ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, nang araw ring iyon, tinanggap ng iba't ibang lugar na panturista sa buong bansa ang 71 milyong tao, at ang bilang na ito ay lumaki ng 9.4% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Samantala, umabot sa 83.4 bilyong yuan RMB ang kita sa sektor ng turismo, at lumaki ng 9.7% ang bilang na ito.
Ayon sa kaugaliang Tsino, pagkaraan ng family reunion sa bisperas ng Chinese New Year, simula ng unang araw ng bakasyon, lumalabas ang mga tao, para bumisita sa mga makulay na aktibidad na pangkapistahan, o pumasyal sa mga lugar na panturista.
Salin: Liu Kai