Ayon sa National Seismological Service ng Mexico, naganap kahapon ng hapon, local time, Biyernes, ika-16 ng Pebrero 2018, sa karagatan sa dakong timog ng bansang ito, ang magnitude-7.2 na lindol. Samantala, hanggang kagabi, naganap na ang 225 aftershock, at ang pinakamalakas ay magnitude 5.9.
Ayon pa rin sa ulat, noong naganap ang lindol, malakas ang pagyanig sa Mexico City. Hanggang sa kasalukuyan, walang naiulat na kasuwalti. Wala ring inilabas na babala ng tsunami ang panig opisyal ng Mexico.
Salin: Liu Kai