Miyerkules, Pebrero 21, 2018—Ayon sa estadistika ng Immigration Department ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), mula noong ika-15 hanggang ika-20 ng Pebrero, lumaki ng 15.5% ang bilang ng mga bisita mula mainland ng Tsina sa Hong Kong kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at ang bahagdang ito ay mahigit 4 na ulit kumpara sa datos noong isang taon.
Ipinakikita ng datos na sa bakasyon ng Spring Festival, halos 2 milyong person-time ang kabuuang bilang ng mga bisita sa Hong Kong, kabilang dito ang halos 720 libong person-time ng mga galing sa mainland.
Ayon sa pagtaya ng Hong Kong Tourism Board (HKTB), sa taong 2018, aabot sa 60 milyong person-time ang bilang ng mga bisita sa Hong Kong, at ito ay lalaki ng 3.6% kumpara noong 2017.
Salin: Vera