Kahapon, Sabado, ika-17 ng Pebrero 2018, ay ikalawang araw ng Chinese New Year, at ika-3 araw ng mahabang bakasyon sa bansa para sa kapistahang ito. Ayon sa estadistikang inilabas kahapon ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, nang araw ring iyon, tinanggap ng iba't ibang lugar na panturista sa buong bansa ang 87 milyong tao. Ang bilang na ito ay lumaki ng 10.6% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, at mas malaki rin ng 16 na milyon kumpara sa kamakalawa. Samantala, umabot sa 110.7 bilyong yuan RMB ang kita sa sektor ng turismo, at lumaki ng 10.7% ang bilang na ito.
Kasunod ng pagtutuloy ng mahabang bakasyon para sa Chinese New Year, marami pang maraming Tsino ang lumabas, para bumisita sa mga makulay na aktibidad na pangkapistahan, o pumasyal sa mga lugar na panturista.
Salin: Liu Kai