Idinaos kahapon, Biyernes, ika-23 ng Pebrero 2018, sa Beijing ang ika-33 pulong ng Pirmihang Lupon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, kataas-taasang lehislatura ng bansa.
Ang pulong na ito ay bilang paghahanda para sa unang sesyon ng Ika-13 NPC na idaraos sa susunod na buwan.
Ayon sa isang ulat na isinumite sa pulong, naihalal na ang 2980 deputado ng ika-13 NPC, at silang lahat ang nakapasa sa pagsusuri ng kuwalipikasyon. Isasapubliko ang listahan ng mga deputadong ito, pagkaraan ng pinal na kompirmasyon ng Pirmihang Lupon ng Ika-12 NPC.
Sinuri rin sa pulong ang work report ng Pirmihang Lupon ng Ika-12 NPC, agenda ng unang sesyon ng Ika-13 NPC, ilang dokumento hinggil sa lehislasyon, at iba pa.
Salin: Liu Kai