Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Pebrero 24, 2018, kay Vijay Gokhale, Foreign Secretary ng India, ipinahayag ni Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na bilang mga mahalagang kapitbansa ng isa't-isa, may maraming komong kapakanan ang Tsina at India. Aniya, batay sa narating na mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, dapat palalimin ang estratehikong pagsasanggunian, palakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at maayos na hawakan ang mga sensitibong isyu upang mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon at magkasamang makapagbigay ng ambag para sa pag-unlad at kasaganaan ng rehiyong ito at buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Vijay Gokhale na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina. Nakahanda aniya ang India na magkasamang magsikap kasama ng Tsina para mapasulong pa ang kanilang relasyon.
Salin: Li Feng