|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur, Malaysia—Inulit Martes, Pebrero 27, 2018, ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia ang kanyang mainit na pagtanggap sa pamumuhunan mula sa Tsina.
Sa luncheon bilang pagdiriwang sa Chinese New Year na nasa pagtataguyod ng Malaysia-China Business Council, inilarawan ni Najib ang sektor na pang-negosyo ng Tsina bilang isa sa mga partner ng Malaysia sa pagtatatag ng bansang may mataas na kita, at bihasa sa kahusayan.
Si Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia habang nagtatalumpati sa luncheon bilang pagdiriwang sa Chinese New Year na nasa pagtataguyod ng Malaysia-China Business Council, Pebrero 27, 2018. (Xinhua)
Tinukoy ni Najib ang Alliance Steel, unang entrant sa Malaysia-China Kuantan Industrial Park, bilang halimbawa sa pagpapakita ng win-win resulta na dulot ng pagtutulungan ng dalawang bansa. Inilahad niyang 70% ng 4,000 bagong oportunidad ng trabaho ng nasabing proyekto ang para sa mga mamamayang Malay. Pinasusulong aniya nito ang kabuhayang lokal at pamumuhay ng mga manggagawa.
Inisa-isa rin ni Najib ang ibang mga pangunahing bunga sa pagtutulungang Sino-Malay, na gaya ng Malaysian campus ng Xiamen University, Digital Free Trade Zone na magkasamang idinebelop ng pamahalaang Malay at Alibaba, at puhunan ng Geely sa counterpart na carmaker nito sa Malaysia na Proton.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |