Kuala Lumpur, Malaysia—Ayon sa Malaysia External Trade Development Corporation (MATRADE), pambansang ahensya ng promosyong pangkalakalan ng bansa, noong 2017, umabot sa 1.77 trilyong ringgit (RM) ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng bansa. Mas mataas ito ng 19.4% kumpara sa taong 2016. Ito rin ang pinakamataas na paglaki nitong 13 taong nakalipas.
Noong 2017, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay ang pinakamalaking trade partner ng Malaysia, at ang kalakalan ng dalawang panig ay tumaas ng 21% kumpara sa 2016. Samantala, ang Tsina ay ang pangalawang pinakamalaking trade partner ng bansa, at kumpara noong 2016, lumaki nang 20.6% ang kalakalan ng dalawang bansa, noong 2017.
Salin: Jade
Pulido: Rhio