Sa taunang pulong ng Ministri ng Turismo ng Kambodya Martes, Pebrero 27, 2018, ipinahayag ni Thong Khon, Ministro ng Turismo ng bansa, na sa taong 2018, tinatayang tatanggap ang 1.7 milyong person-time na turistang Tsino ang Kambodya, at ito ay lalaki ng 40% kumpara noong isang taon.
Sinabi ni Thong Khon na ang relasyong pagkaibigan ng Tsina at Kambodya, mga kaakit-akit na tourist spot, at tuluy-tuloy na pagdaragdag ng direktang flight sa pagitan ng dalawang bansa ay pangunahing sanhi ng malinaw na pagdami ng mga turistang Tsino sa bansa.
Ayon sa estadistika ng nasabing ministri, noong 2017, 1.21 milyong person-time na turistang Tsino ang nagpasyal sa Kambodya.
Ang turismo ay isa sa mga pangunahing industrya sa Kambodya. Ipinakikita ng datos na noong isang taon, tinanggap ng bansa ang 5.6 milyong person-time na turistang dayuhan. Ayon kay Khon, may pag-aasang aabot sa 6.1 milyon ang nasabing datos.
Salin: Vera