Ayon sa estadistikang ipinalabas ngayong araw, Biyernes, ika-19 ng Enero 2018, ng Council for the Development of Cambodia (CDC), noong 2017, umabot sa mahigit 1.4 bilyong Dolyares ang halaga ng pamumuhunan ng mainland China sa Kambodya. Ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking pinanggagalingan ng pondong dayuhan ng bansang ito.
Ayon pa rin sa estadistika, noong isang taon, umabot sa 5.2 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng direktang pamumuhunang dayuhan sa Kambodya. Noong 2016, ang bilang na ito ay 3.6 bilyon.
Salin: Liu Kai