Sa pagtataguyod ng Thailand-China Business Council (TCBC), idinaos Martes, Pebrero 27, 2018, sa Thailand ang Porum hinggil sa Kinabukasan ng Relasyong Sino-Thai. Ipinalalagay ng mga kalahok mula sa mga sektor na komersyal at pulitikal ng dalawang bansa na kinakaharap ng relasyong Sino-Thai ang mahahalagang pagkakataon.
Sinabi ni Vikrom Kromadit, Tagapangulo ng TCBC na sa kasalukuyan, aktibong pinapasulong ng Thailand ang pag-uugnay ng mga pambansang estratehiyang pangkaunlaran na gaya ng Thailand 4.0 at Eastern Economic Corridor, sa Belt and Road Initiative, para maisakatuparan ang komong kasaganaan. Kinilala rin niya ang kahalahagan ng mga turistang Tsino sa pagpapasulong ng turismo ng bansa.
Sinabi naman ni Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand na mayaman ang karanasan ng Tsina sa Internet finance, big data, industrial robot, electric car, bagong enerhiya at iba pa. Ang nasabing sektor aniya ay priyoridad ng pag-unlad ng Thailand. Itatampok sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa hinaharap ang nabanggit na mga larangan, dagdag pa niya.
Salin: Jade
Pulido: Rhio