Beijing, Tsina-- Magbubukas alas-9 ng umaga bukas, Marso 5, 2018, ang Unang Sesyong Plenaryo ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Magsasagawa ang China Radio International (CRI) ng live coverage sa gaganaping seremonya ng pagbubukas, sa pamamagitan ng iba't ibang wika at plataporma.
Mapapakinggan ng mga tagasubaybay ang live coverage sa wikang Ingles, wikang Ruso at wikang Tsino sa mga website at APP sa nasabing tatlong wika ng CRI.
Mababasa rin ang mga may kinalamang pinakasariwang balita sa mga 40 wika ng CRI na gaya ng Filipino, Bahasa Indonesia, Cambodian, Lao, Malay, Myanmar, Thai, Vienamese at iba pa, sa pamamagitan ng mga website; social media; mga APP na kinabibilangan ng ChinaNews, ChinaRadio, at ChinaTV; at China International Broadcasting Network (CIBN) online TV.
Salin: Jade