Sa kanyang Government Work Report na ginawa Lunes, Marso 5, 2018, sa Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na dapat komprehensibong pasulungin ang pamamahala alinsunod sa konstitusyon at batas. Dapat din aniyang komprehensibong pataasin ang episiyensiya ng pamahalaan, upang mabuo ang sistema ng pagsasa-ayos sa gobyerno na may malinaw na responsibilidad at paraan ng pamamahala alinsunod sa batas; at mapalakas ang kredibilidad at kapasidad pang-ehekutibo ng gobyerno.
Salin: Li Feng