|
||||||||
|
||
Linggo, Marso 4, 2018, pinasinayaan sa International Conference Center sa Manila ang malaking pagtatanghal ng pagbati sa mga overseas Chinese na pinamagatang "Kulturang Tsino, Tagsibol sa Iba't-ibang Sulok ng Daigdig" sa taong 2018. Ipinaabot ng makukulay na palabas ang bating pambagong-taon at pangungumusta sa mga overseas at ethnic Chinese sa Pilipinas.
Si Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas
Sa pamamagitan ng nasabing pagtatanghal, ipinahayag ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas ang matapat na pagbati sa mga overseas at ethnic Chinese sa lokalidad. Nagpahayag din si Zhao ng pasasalamat sa kanilang pagsisikap para sa pagpapasulong ng mapagkaibigang pagpapalitan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan.
Si Harry Roque, Tagapagsalita ng Pangulong Pilipino
Sa ngalan ni Pangulong Rodrigo Duterte, bumati din si Harry Roque, Tagapagsalita ng Pangulong Pilipino, ng Manigong Bagong Taon sa mga kalahok na panauhin, manonood, at mga overseas at ethnic Chinese sa lokalidad. Aniya, ang nasabing pagtatanghal ay isang mahalagang pagpakita ng pagpapabuti ng relasyong Pilipino-Sino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |