Beijing,Tsina—Binabalak ng Tsina na ilunsad ang core module ng space station nito sa taong 2020. Kasalukuyang idinedebelop ng bansa ang prototype ng space station.
Ito ang ipinahayag ni Zhou Jianping, Punong Inheniyero ng manned space program ng Tsina, nitong nagdaang Linggo, Marso 4, 2018.
Binubuo ng ginagawang space station ng tatlong module na kinabibilangan ng nasabing core module at dalawang laboratoryo. Makaraang ilunsad ang core module, ikakabit dito ang dalawang laboratoryo.
Idinagdag pa ni Zhou na may posibilidad na ang space station ng Tsina ay magsisilbing tanging space station na nasa orbit, makaraang mag-retire ang International Space Station (ISS). Aniya pa, medium-siz lamang ang ginagawang space station kumpara sa ISS, pero, makakatugon ito sa mga kahilingang eksperimental.
Si Zhou ay miyembro rin ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Kasakuluyang idinaraos sa Beijing ang taunang sesyon ng CPPCC.
Salin: Jade
Pulido: Mac