Ayon sa ulat, noong ika-4 ng Marso, 2018, nagpadala si Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea ng delegasyon ng mga sugo na dumalaw sa Hilangang Korea, para mapabuti ang relasyon ng dalawang panig at lumikha ng mainam na kapaligiran sa pagdaos ng posibleng diyalogo hinggil sa isyung nuklear sa pagitan ng Hilagang Korea at Estados Unitos .
Bilang tugon, ipinahayag noong ika-5 ng Marso ni Gang Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na tinatanggap ito ng Tsina at inaasahang magtatamo ng positibong bunga.
salin:Lele