Noong ika-25 ng Enero, 2018, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na humuhupa ngayon ang kalagayan ng Korean Peninsula, umaasa siyang sasamantalahin ng Amerika at Hilagang Korea ang pagkakataon. Binigyan-diin niyang ang Six-Party Talks ay may bitalidad pa rin.
Ayon sa ulat, isiniwalat kamakailan ng isang mataas na opisyal ng Timog Korea na ipinahayag ng panig na Amerikano na kung ititigil ng Hilagang Korea ang probokasyon, ang pagdaos ng talastasan nila ay may posibilidad. Puwede mapanumbalik muna ang pag-uusap sa pagitan ng Amerika at H.Korea, at idaos din ang talastasan sa pagitan ng Timog at Hilagang Korea, saka palawakin ang talastasan sa iba pang panig. Anito, ang framework ng Six-Party Talks ay mahalaga, pero, mahirap ang pagpapanumbalik nito.
Binigyan-diin ni Hua na ang Six-Party Talks ay gumaganap ng hindi hahalinhang papel sa paglutas ng isyu ng Korean Peninsula, at ang mga iba pang prinsipyong gaya ng September 19 Joint Statement ay may practical value pa rin.
salin:Lele