Sa panahon ng sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), ipinahayag noong ika-4 ng Marso, 2018, ni Zhi Shuping, Kagawad ng CPPCC at Puno ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine of the People's Republic of China (AQSIQ) na nitong ilang taong nakalipas, pinahahalagahan nila ang pagtatakda at pagsusog ng mga istandard at internationalization ng mga ito. Ngayon, ang mga istandard na itinaguyod ng Tsina ay mas malawakang tinatanggap ng daigdig, at ang bilang ng mga ito ay nasa unang 5 puwesto ng daigdig.
Aniya, sa kasalukuyan, tinatanggap ang mga istandard na itinaguyod ng Tsina sa mga bansa at rehiyong lumahok sa "Belt and Road" initiative, lalong na sa high-speed rail, extra-high voltage power transmission, at household appliances.
salin:Lele