Sinabi kahapon, Biyernes, ika-22 ng Disyembre 2017, ni He Lifeng, Puno ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, nilagdaan ng Tsina at 86 na bansa at organisasyong pandaigdig ang 100 dokumentong pangkooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Kaugnay ng mga natamong bunga sa usapin ng Belt and Road sa taong ito, sinabi ni He, na pangunahin na, isinagawa ang mga kooperasyon sa aspekto ng kakayahang produktibo, pamumuhunan, Digital Silk Road, at mga proyekto ng imprastruktura.
Dagdag niya, sa susunod na taon, buong sikap na pasusulungin ang pagtatakda ng mga planong pangkooperasyon at pagsasagawa ng mga konkretong proyekto sa ilalim ng Belt and Road.
Salin: Liu Kai