Inilabas kahapon, Lunes, ika-26 ng Pebrero 2018, sa Beijing, ang ulat hinggil sa kalagayan ng mga industrial park ng Tsina sa ibang bansa sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Ang ulat na ito ay ginawa ng Institute of Urban Development ng East China Normal University at Samahan ng mga Sonang Pangkaunlaran ng Shanghai.
Ayon sa ulat, itinayo na ng panig Tsino ang 45 industrial park sa kahabaan ng Belt and Road. Kung titingnan ang kalagayan ng pag-unlad, nasa unang limang puwesto ang Long Giang Industrial Park sa Biyetnam, Rayong Industrial Park sa Thailand, Suez Economic and Trade Cooperation Zone sa Ehipto, Fortune Land New Industry City sa Indonesya, at Ju Long Agricultural Industry Cooperation Zone sa Indonesya, dagdag ng ulat.
Samantala, ang Rusya, Biyetnam, Indonesya, Laos, Thailand, Kambodya, Malaysia, Indya, Kazakhstan, at Myanmar ay unang sampung bansa na may pinakaraming pamumuhunan mula sa mga kompanyang Tsino.
Salin: Liu Kai