Ayon sa datos na isinapubliko nitong Martes, Pebrero 13, 2018, ipinakikita nitong noong isang buwan, umabot sa 10.8 bilyong dolyares ang di-pinansiyal na direktang pamumuhunan ng Tsina sa ibang bansa. Ito ay mas malaki ng 39.7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ipinahayag ng kinauukulang personahe ng Ministring Komersyal ng Tsina na makaraang mabisang pigilan ang non rational investment abroad, unti-unting umaahon ang pamilihan ng bansa.
Kung pag-uusapan ang pagkakaiba ng bansa, ang mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" ay nagiging pokus ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina. Noong isang buwan, dinagdagan ng mga bahay-kalakal ng Tsina ng puhunan ang 46 na bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" na nagkakahalaga ng mahigit 1.2 bilyong dolyares. Ito ay mas malaki ng 50% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ang pamumuhunang ito ay nailagak, pangunahin na, sa Singapore, Malaysia, Laos, Biyetnam, Indonesia, Pakistan, Sri Lanka, at iba pang bansa.
Salin: Li Feng