HINDI na naman pinayagang makapasok at makapakinig sa isang okasyong dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pasay City kanina, tatlong linggo matapos pagbawalan mismo ng pangulong lumahok sa mga pagtitipon sa Malacanang.
Sinabihan umano si Pia Ranada ng mga nasa likod ng Go Negosyo 11th Filipina Entrepreneurship Summit sa World Trade Center na hindi siya makapapasok sa okasyong dadaluhan ni Pangulong Duterte. Wala umano ang kanyang pangalan sa mga tagapagbalitang kabilang sa Malacanang Press Corps. Sinabihan siya ng Media Accreditation and Relations Office na hindi siya makadadalo sa okasyon.