Bilang tugon sa tanong ng mga mamamahayag hinggil sa sangsyon sa Democratic People's Republic of Korea (DPRK), ipinahayag Marso 6, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na susunod ang Tsina sa resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC), at gagawa ng kapasyahan batay sa katotohanan.
Ayon sa ulat, noong ika-23 ng Pebrero pinigil ng Tsina ang kahilingan ng Amerika sa Sanctions Committee ng UNSC na isagawa ang pagbabawal sa pagdaong ng 33 bapor dahil sa paglabag sa resolusyon ng sangsyon ng UNSC sa DPRK, at isagawa rin ang sangsyon sa 27 shipping firm dahil nagbigay-tulong sila sa DPRK.
Ipinahayag ni Geng na pansamantalang pinigil ng Tsina ang listing proposal dahil kinakailangan nito ang inter-departmental study.
salin:Lele