Idinaos Marso 8, 2018 ang seremonyang panalubong para sa 28 estudyante na galing sa Thailand, sa Liuzhou Railway Vocational and Technical College, Guangxi Autonomous Region, Tsina.
Mag-aaral ang mga kabataan hinggil sa teknolohiya ng high speed railway. Ang main courses ay kinabibilangan ng railway signal automatic control, engineering technology at iba pa.
Sa kasalukuyan, humihigpit ang pagtutulungan ng Tsina at Thailand sa high speed railway. Ang hangarin nito ay para sanayin ang mga propesyonal na manggagawang Thai sa larangang ito.