Ipinahayag sa Beijing Lunes, Marso 12, 2018, ni Wu Ritu, Pangalawang Direktor ng Komisyong Pinansiyal at Ekonomiko ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na hihilingin ng Pirmihang Lupon ng NPC sa mga kaukulang departamento na pabilisin ang proseso ng lehislasyon upang matapos ang tungkulin ng statutory taxation sa nakatakdang panahon.
Isiniwalat din niya na nailagay na sa planong lehislatibo sa taong ito ang anim na tax law na gaya ng taripa sa pagmamay-ari ng lupa, taripa ng yaman, at taripa ng konsumo.
Salin: Li Feng