Ipinahayag Sabado, Marso 10, 2018, ni Huang Runqiu, Kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) at Pangalawang Ministro ng Pangangalaga ng Kapaligiran ng Tsina, na sa kasalukuyan, mabigat pa rin ang situwasyon ng pagsasaayos ng Tsina sa polusyon sa hangin. Aniya, kasalukuyang binabalangkas ng Tsina ang Three-Year Action Plan para mapagtagumpayan ang blue sky defense war.
Ipinahayag pa ni Huang na para maisakatuparan ang target ng pagpigil at pagsasaayos sa polusyon, kailangang malawakang lahukan ito ng iba't-ibang sirkulo ng lipunan at isagawa ang porma ng berdeng pag-unlad at pamumuhay.
Salin: Li Feng