|
||||||||
|
||
Sa Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (CPC) na kasalukuyang idinaraos sa Beijing, dumalo si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, sa pagsusuri ng delegasyon ng probinsyang Shandong. Malaliman at komprehensibo niyang inilahad ang kanyang palagay para sa pagpapa-ahon ng kanayunan. Tungkol sa kung paanong paaahunin ang kanayunan, binigay ng mga kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) ang kanilang mungkahi.
Tinukoy ng mga kagawad na ang tao ay susi ng pagpapa-ahon ng kanayunan. Anila, ang pagpapa-ahon ng kanayunan ay hindi lamang itinatatag ang mas magandang kanayunan, kundi din napapaunlad ang modernong industriyang agrikultural. Upang mapaunlad ang industriyang ito, kailangang hubugin ang mas maraming mahusay na talento.
Iminungkahi pa ng mga kagawad na dapat isagawa ng mga kaukulang departamento ang pagsasanay sa iba't-ibang lebel upang magkaroon ang kanayunan ng mas maraming talento at panibagong magsasaka.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |