Sa preskong idinaos sa Beijing Lunes, Marso 12, 2018, ng Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ipinahayag ni Wu Heng, Pangalawang Direktor ng Committee of Education, Science, Culture, and Health ng NPC, na sapul ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nagdoble ang laki ng bilang ng mga lehislasyon ng Tsina sa larangang kultural. Ito aniya ay isinusulong sa walang-tulad na puwersa at bilis.
Inamin din niya na dahil ang lehislasyong pangkultura ay hindi lamang may kaugnayan sa responsibilidad ng pamahalaan, karapatan at kapakanan ng mga mamamayan, kundi maging sa iba't-ibang aspektong gaya ng lipunan, mga organo, at mga mamamayan, napakahirap isusulong ng gawaing ito.
Salin: Li Feng