|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina--Ginanap Linggo, Marso 11, 2018 ang ika-3 pulong plenaryo ng unang sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Pinagtibay sa nasabing pulong ang pagsusog sa Saligang Batas ng bansa. Ayon sa resulta ng botohan, sa 2964 deputado ng NPC, 2958 ang bumoto ng pagsang-ayon sa pagsusuog, dalawa ang tumutol, tatlo ang nag-abstain at ang isa ang imbalido.
Ang pagsusog ay may kinalaman sa 21 artikulo na kinabibilangan ng Kaisipan ni Xi Jinping hinggil sa Sosyalismo na May Katangiang Tsino para sa Bagong Panahon. Mababasa rin sa pagsusog ang mga konsepto, patakaran at estratehiya ng nasabing kaisipan. Kabilang sa mga ito ay pananaw sa inobatibo, koordinado, berde at bukas na pag-unlad para sa lahat; plano ng integrasyon ng kaunlarang pangkabuhayan, pampulitika, pangkultura, panlipunan at pang-ekolohiya; layunin ng pagtatatag ng dakilang makabagong bansang sosyalista, at buong-higpit na pagtalima sa Saligang Batas.
Lugar na pinagdausan ng ika-3 pulong na plenaryo ng unang sesyon ng ika-13 NPC sa Great Hall of the People, Beijing, March 11, 2018. (Xinhua/Rao Aimin)
Mga deputado ng ika-13 NPC habang naghuhulog ng balota sa pagsusog sa Saligang Batas ng bansa, sa ika-3 pulong na plenaryo ng unang sesyon ng ika-13 NPC sa Great Hall of the People, Beijing, March 11, 2018. (Xinhua/Rao Aimin)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |