Beijing, Tsina--Ipinahayag ni Wan Gang, Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina ang mainit na pagtanggap sa mga bahay-kalakal ng Amerika sa bansa. Nananatiling maayos aniya ang pagtutulungang panteknolohiya at pang-inobasyon ng dalawang bansa.
Sa preskon Sabado, Marso 10, 2018, sa idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, hinggil sa isyung may kinalaman sa kooperasyon ng Tsina't Amerika sa mga de-kuryenteng sasakyang-de-motor na elektriko, sinabi ni Wan na mahigpit ang nasabing pagtutulungan.
Si Ministrong Wan sa preskon, sa sidelines ng idinaraos na sesyon ng NPC, Marso 10, 2018. (Xinhua/Xing Guangli)
Idinagdag pa niyang naitatag na ng Tsina at Kagawaran ng Enerhiya ng Amerika ang magkasanib na sentro ng pananaliksik. Kabilang sa tatlong pangunahing pananaliksik ng nasabing sentro ay artitekturang matipid sa enerhiya, mga teknolohiya sa malinis na karbon (clean coal techonolgy), at electric car.
Salin: Jade
Pulido: Rhio