|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Inilabas ng pamahalaang Tsino ang anim na pangunabing tungkulin at walong plano ng aksyon para mapasulong ang dekalidad na kabuhayan at kalakalan sa susunod na limang taon.
Sa preskon ngayong araw, Linggo, Marso 11, 2018, sa sidelines ng idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, ipinahayag ni Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ang pananangan ng bansa sa inobasyon at de-kalidad na pag-unlad.
Si Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng Tsina, sa preskon, Marso 11, 2018. (Xinhua/Li Xin)
Kabilang sa nasabing anim na tungkulin ay pagpapalakas ng pundamental na pungsyon ng konsumo sa pagpapalago ng kabuhayan; pagpapasulong ng kakayahang kompetetibo sa kalakalang panlabas; pagpapa-angat ng lebel ng puhunang dayuhan sa Tsina at puhunang Tsino sa labas; pagpapabuti ng pagbubukas sa labas; pagkakaroon ng bagong ugnayang pangkabuhaya't pangkalakalan sa labas; at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino sa pamamagitan ng mga aktibidad na komersyal.
Samantala, ang walong plano ng aksyon ay may kinalaman sa pag-u-upgrade ng konsumo; inobasyon sa pamumuhunan; pagtutulungan sa ilalim ng Belt and Road Initiative; multilateral na rehiyonal na kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan; at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |