|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina--Sinabi ni Zhang Rong, Presidente ng Xiamen University na maayos ang pagtatatag ng sangay ng naturang unibersidad sa Malaysia.
Ipinahayag ito ni Zhang Linggo, Marso 11, 2018 sa sidelines ng idinaraos na sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Si Zhang ay deputado rin ng NPC.
Si Zhang Rong, Presidente ng Xiamen University sa panayam, sa sidelines ng idinaraos na sesyon ng NPC, Marso 11, 2018. CRI/Li Jin
Isinalaysay ni Zhang na sa kasalukuyan, mahigit 2,800 estudyante ang nag-aaral sa Malaysia campus ng Xiamen University.
Idinagdag pa niyang itinatag ang nasabing kampus sa Malaysia para ipatupad sa larangang pang-edukasyon ang Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina para sa komong kasaganaan.
Ang Xiamen University Malaysia ay nagsimulang mangalap ng mga estudyante noong 2015. Sa taong 2020, balak nitong makakalap ng 10,000 estudyante bawat taon, at kabilang dito, tig-1/3 bilang ng mga mag-aaral ay galing sa Tsina, Malaysia at ibang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |