Beijing, Tsina—Sa ika-3 pulong plenaryo ng unang sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, na ginanap, Linggo, Marso 11, 2018, binasa ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng ika-12 NPC, ang ulat sa mga gawain nitong limang taong nakalipas. Susuriin ng kasalukuyang sesyon ang nasabing ulat.
Ayon sa ulat, nitong limang taong nakalipas sapul nang buuin ang ika-12 NPC, 25 batas ang binalangkas, 127 batas ang sinusugan, 46 na desisyon hinggil sa mga isyung pambatas at ibang mahalalagang isyu ang pinasa, at siyam na interpretasyong pambatas ang inilabas.
Iniharap din ng ulat ang mga mungkahi hinggil sa lehislasyon sa susunod na limang taon. Kabilang sa mga ito ay pagbalangkas ng batas sa buwis sa real estate, batas sa puhunang dayuhan, batas sa e-commerce, batas sa kultura, batas sa pangangalaga sa kapaligiran, batas na panlipunan, batas sa paggamit ng bukirin, batas sa pagbili ng kotse, batas sa buwis sa yaman, at iba pa. Bukod dito, pabibilisin din ang pag-compile ng civil code.
Salin: Jade
Pulido: Rhio