Idinaos noong ika-10 ng Marso, 2018, ang pagtatanghal ng eksibisyong "Maritime Silk Road" sa Songkhla, Thailand. Halos 1,500 tauhan ang kalahok, at kabilang dito si Wissanu Krea-ngam, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand; Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand; at mga kinatawan mula sa iba't ibang sirkulo ng masabing bansa.
Sa kanyang talumpati, isinalaysay ni Wissanu ang kaugnayan ng Songkhla ng Thailand at Maritime Silk Road. Inenkorahe niya ang mga mamamayan ng Songkhla na lubos na patingkarin ang bentahe bilang gateway na nag-uugnay sa makabagong Maritime Silk Road at Timog-silangang Asya, at aktibong lahukan ang "Belt and Road"initiative.
Ipinahayag naman ni Lv na isinusulong ng Tsina ang "Belt and Road" initiative batay sa magkakasamang pagsasanggunian at pag-unlad at komong interes. Sa hinaharap, ibayo pang palalawakin ng Tsina ang pabubukas, pasusulunin ang konektibidad sa imprastruktura, at pag-uugnay ng mga patakaran.
Salin:Lele