Nagpadala Marso 14, 2018 ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Chancellor Angela Merkel ng Alemanya bilang pagbati sa pagpapatuloy ng kanyang tungkulin bilang Chancellor ng bansang ito. Ito ang ika-4 na beses nang panunungkulan ni Chancellor Merkel.
Tinukoy ng Pangulong Tsino na noong 2014, naitatag ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Alemanya. Aniya, batay sa magkasamang pagsisikap, walang tigil na umuunlad ang bilateral na relasyon at lumalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang panig. Samanatala, humihigpit din aniya ang pagtutulungan ng dalawang panig sa larangan ng pagpapasulong ng pangangasiwa ng mundo, globalisasyong pangkabuhayan at multilateralismo. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Alemanya para ibayong patibayin ang estratehikong pagtitiwalaan, at pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa.
Nang araw ring iyon, nagpadala rin ng mensaheng pambati si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Chancellor Merkel. Umaasa ang Premyer Tsino na magkasamang magsisikap ang Tsina at Alemanya para ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Aleman at pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa.