Sa kanyang panayam pagkatapos ng isang public class na may temang "Impluwensiya ng Belt and Road initiaive sa Gitna-silangang Europa at Timog-silangang Asya" sa University of Indonesia, noong ika-15 ng Marso, 2018, ipinahayag ni Radek Pyffel, Polish Member ng Board of Directors ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Pananalig na magkasamang ang pagsasagawa ng Belt and Road Initiative ay tiyak na makakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan sa Gitna-silangang Europa at Timog-silangang Asya.
Aniya, kumakatig ang maraming bansa sa Belt and Road Initiative dahil ang kooperasyon ay may win-win situation. Ang pangunahing tungkulin ng AIIB ay magbigay-tulong sa mga bansa sa konstruksyon ng imprastruktura, ito ay may mahigpit na kaugnayan sa Belt and Road Initiative, at tiyak na magpapasulong ang mga ito ng breakthrough ng konstruksyon ng imprastruktura ng mga kalahok na bansa.
salin: Lele