Ayon sa pagsisiwalat kamakailan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), noong unang dako ng taong ito, nakipag-usap si Jagatheesa Pandian, Pangalawang Gobernador at Chief Investment Officer ng bangkong ito sa mga opisyal ng Department of Finance at National Economic and Development Authority ng Pilipinas, at tinalakay nila ang hinggil sa pagkakaloob ng pondo ng AIIB sa mas maraming proyekto sa Pilipinas.
Ang unang proyekto ng AIIB sa Pilipinas ay proyekto ng pagkontrol sa baha. Ito ay magkasamang pagkakalooban ng AIIB at World Bank ng 500 milyong Dolyares. Ang 6-taong proyektong ito ay sasaklaw sa Maynila, Pasay, Taguig, at 2 pang lugar.
Ipinahayag ng AIIB, na batay sa buong husay na pagsasagawa ng proyektong ito, nakahanda rin ang bangko na magbigay-tulong sa Pilipinas sa mga proyekto ng green energy infrastructure, na gaya ng solar, windfarm, o hydro; at mga proyekto ng green transport, na gaya ng metro, bus rapid transit, intelligent transport systems, at iba pa.
Salin: Liu Kai