Sa ika-5 sesyong plenaryo ng sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina na idinaraos ngayong umaga, Sabado, ika-17 ng Marso 2018, inaprobahan ang plano ng malaking pagsasaayos sa mga departamento ng Konseho ng Estado ng Tsina, pamahalaan ng bansa.
Ang pagsasaayos na ito ay para mas mabuting isabalikat ng iba't ibang departamento ng pamahalaang Tsino ang kani-kanilang tungkulin, maging mas epektibo ang mga gawain ng pamahalaan, at mas magandang maglingkod ang pamahalaan sa mga mamamayan.
Salin: Liu Kai